◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Mail Magazine InterCom Kawasakiku ay hindi na mamimigay pagkatapos ang Marso 31.
Mula Abril, nasa website ng Kawasaki Ward ang mga impormasyon na importante sa pang-araw-araw na buhay na salitang Hapon na simple, English, Chinese, Portuguese, korean, Spanish at Tagalog.
Tuwing 15th ng buwan ang update.
http://www.city.kawasaki.jp/kawasaki/page/0000105222.html
Puwede rin tanggapin ang babala sa Email kapag may bagong impormasyon.
1 Ipadala ang blank mail sa:
mailnews@k-mail.city.kawasaki.jp
sa pamamagitan ng kompyuter o smartphone.
2 Tatangapin ang reply para magsubscribe.
3 Pindutin ang URL para buksan ang website.
4 Pindutin ang button na 「同意する」(Agree).
5 Pindutin ang button na 「メールマガジン登録へ」(Subscription ng Mail Magazine)
6 Piliin ang checkbox sa kaliwa na「かわさきく たげんご せいかつじょうほう めーるまがじん」(Kawasaki ward Living information in multilingual) at iclick
7 Pindutin ang button na 「登録」(Subscription)
8 Pindutin ang button na 「終了」(Isara)
9 pagtapos na ang Subscription. Isara ang browser.
http://www.city.kawasaki.jp/kawasaki/page/0000105464.html
Ang iskedyul ng pagkokolekta ng mga basura at recyclable ay babaguhin simula sa buwan ng Abril
2019-03-17
Ang Kawasaki Seikatsu Kankyo Jigyosho (Kawasaki Life Environment Office), na kasalukuyang sumasaklaw sa ilang mga distrito sa Kawasaki ward at lahat ng Saiwai ward, ay magsasara sa ika-31 ng Marso 2019.
Ang lahat ng Kawasaki ward ay magiging saklaw ng Nambu Seikatsu Kankyo Jigyosho (Nambu Life Environment Office) pagkatapos ng ika-1 ng Abril. Sa pagsaalang-alang ng balanse ng halaga ng koleksyon para sa bawat araw, ang mga araw ng pagkolekta ng mga basura at mga recyclable ay magbabago sa lugar ng Kawasaki- Ku at Saiwai-ku.
Walang pagbabago sa mga uri ng mga basura at recyclable na kokolektahin at wala ring pagbabago kung gaano kadalas ang pagkolekta nito.
Para sa karagdagang mga detalye, mangyaring sumangguni sa poster sa bawat collection point o sa website ng Lungsod ng Kawasaki.
Mga Katanungan: Nambu Seikatsu Kankyo Jigyo-sho
Tel:044-266-5747
Fax:044-287-1840
Tangkilikin ang pag-aaral ng wikang Hapon! (Pagbabasa at pagsusulat ng Hapon)
2019-03-17
Ang Japanese class na ito ay isang lugar kung saan hindi mo lamang matututunan ang pang-araw-araw na pag-uusap sa Hapon, pagbabasa, at pagsulat, kundi matutunan mo rin ang pagpapalitan ng karanasan at impormasyon ng bawat kalahok, kasama ang ibang mga dayuhan at mga boluntaryo.
Maaari kang sumali sa pag-aaral na ito anumang oras, kapag may bagante.
Sa Kyoiku Bunka Kaikan, sa bawat City Hall, Fureai-kan at Kokusai Koryu center
Para sa mga dayuhan na naninirahan o nagtatrabaho sa Lungsod ng Kawasaki, dumalo sa isang paaralan sa Kawasaki. Ang serbisyo sa pag-aalaga ng bata ay magagamit sa ilang mga pasilidad.
Bayad: 540 Yen para sa bawat sesyon na gaganapin sa sentro ng Kokusai Kyoru.
Mangyaring bayaran ang lahat ng mga sesyon na iyong sasalihan sa simula ng unang termino.
Bayad sa pag-aaral: Libre para sa ibang mga lugar (Kinakailangang magbayad para sa activity fee o mga materyales sa ilang mga lugar.)
Aplikasyon
Tumawag o magtanong sa bawat pasilidad
(Ang mauunang pumila ay siyang unang mapaglilingkuran.)
Mga Katanungan:
Kyoiku Iinkai Shogai Gakushu Suishin-ka
Tel:044-200-3304
Fax:044-200-3950