◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Sistema ng pagbabayad ng National Pension Premium sa isang paunang-bayad
2019-02-12
May tatlong pamamaraan (para sa susunod na 2 taon, 1 taon at 6 na buwan) ng pagbabayad ng national pension premium sa isang paunang-bayad.
Kung maaari kang magbayad para sa susunod na 2 taon sa isang paunang pagbabayad, makakakuha ka ng 14,000 yen na diskwento.
Mangyaring mag-sign up nang maaga para sa pagbabayad, upang sa katapusan ng Pebrero ay maaari kang magbayad sa pamamagitan ng account transfer, credit card, elektronikong pagbabayad at cash.
Humingi ng mga detalye.
Mga Katanungan
Hoken Nenkin-ka, ward office
Tel:044-201-3155
Hoken Nenkin-kakari,kumin center, Daishi Branch
Tel:044-271-0158
Hoken Nenkin-kakari,kumin center, Tajima Branch
Tel:044-322-1967
Ang unang anibersaryo ng north gate ng istasyon ng Kawasaki
2019-02-12
Magkakaroon ng ilang mga kaganapan upang gunitain ang unang anibersaryo ng pagbubukas ng north gate, ang north gate hallway sa JR Kawasaki.
Petsa at Oras: Linggo ng ika-17 ng Pebrero, 10:00 am-4:00pm
Lugar: North gate hallway, "Komorebi Terrace" atbp.
Huling araw ng Pagbabayad ng Buwis
2019-02-12
Ang deadline ng ikaapat na pagbabayad para sa mga property tax at mga city planning tax ay sa ika-28 ng Pebrero. Mangyaring magbayad sa bangko o sa isang convenience store.
Para sa karagdagang impormasyon:
Kawasaki Shizei Jimusho Shisanzei ka, Shizei Bunshitsu Shisanzei-ka