◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Aberya, aksidente at impormasyon sa kasakunaan para sa mga dayuhan
2012-09-16
Mga numerong matatawagan sa oras ng aberya ay magagamit mula sa iyong bahay (telepono), pampublikong telepono, teleponong selular, at PHS:
① Insidente, aksidente!
Para iulat sa mga pulis: tawagan (Hyaku toh ban)
Para magpakonsulta sa mga pulis: tawagan #9110
② Sunog, aberya, pagsagip!
Para iulat sa departamento ng sunog: tawagan 119 (Hyaku juukyu ban)
③ Aberya sa dagat!
Para iulat sa Mga bantay ng dagat sa Japan: tawagan 118
Ito ang numerong tatawagan sa oras ng aberya o aksidente sa dagat, hanapin kung san tumatagas na langis o nakakapanghinalang sasakyan, o kumuha ng impormasyon sa mga ilegal na naninirahan o kontrabando.
④ Kasakunaan
Serbisyo ng pagmemensahe sa oras ng aberya: tawagan 171
Sa serbisyong ito maaring magiwan ng mensahe na nagkukumpirma sa iyong kaligtasan sa oras na hindi magagamit ang telepono dahil sa kasakunaan, katulad ng lindol, pagsabog ng bulkan, atbp.
2012-07-17
Sumunod sa batas: Batas Trapiko para sa Bisikleta
2012-02-17
Ang bisikleta ay isang komportableng sasakyan pero pag hindi mo sinunod ang batas, maaari kang masangkot sa isang hindi inaasahang aksidente.
●Kompirmahin ang kondisyon ng paligid
Nagbibisikleta ka ba sa kalye sa mabatong daan? Sinusunod mo ba ang senyales sa paghinto sa intersection? Karamihan sa aksidente na may kinalaman sa bisikleta ay dahil sa hindi paghinto sa intersection, TIGIL.
●Palaging isipin“Kapag ikaw ay nasa bisikleta, ikaw ay isang drayber”
Sa pagsisimula ng pista opisyal sa tag-init, ay magkakaroon ng maraming bata sa daan na gumagamit ng bisikleta. Para maiwasan ang aksidente, sumunod sa batas at sumakay ng bisikleta na ligtas. Ang mga Matatanda at bata ay palaging isipin na“kapag ikaw ay nasa bisikleta, ikaw ay drayber ng sasakyan”. Dahil ito ay magaan at komportableng gamitin, ang sumunod sa batas trapiko ay importante.
Para sa katanungan: Kuyakusho Chiiki Shinko-ka
TEL:044-201-3134 FAX: 044-201-3209
◆Batas trapiko para sa mga Bisikleta
・Ang mga Bisikleta ay dapat sa kalye, ang pagsakay sa mga mabatong daan ay pinahihintulot sa mga espesyal na kaso lang.
・Kapag nasa kalye, lagging sa kanan .
・Kapag nasa batohan, magdahan-dahan sa gilid ng daan.
・Sumunod sa batas.
- BAWAL: lasing na nagmamaneho・ 2 tao・ kapantay sa daan・Naka payong
- Buksan ang ilaw sa gabi
-SUMUNOD: ilaw sa trapiko sa intersection・senyales ng paghinto・ kompirmahin ang kaligtasan.
◆Ang mga bata ay dapat magsuot ng helmet
・kapag ang bata ay wala pang 13 taong gulang, ang magulang ay dapat pagsuotin ng helmet ang bata.
◆Mga bagong HINDI PWEDE
Mula pa ng Mayo 1 2011, Kanagawa Road Regulation ay nagbago at ang naka
saad na Gawain ay ipinagbabawal. Ang bayad sa paglabag ay \50,000.
・Sumakay ng bisikleta habang gumagamit ng cell phone
・Gumamit ng headphone habang nagmamaneho (pakikinig sa musika o sa radio)
Para sa katanungan: Kuyakusho Chiiki Shinko-ka TEL: 044-201-3134 FAX 044-201-3209