◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Ang panahon ng pag-file ng income tax return (kakutei-shinkoku) at deklarasyon ng buwis ng city at prefectural tax ay sa pagitan ng ika-18 ng Pebrero at ng ika-15 ng Marso (maliban sa Sabado at sa Linggo).
Kahit na hindi mo kailangang mag-file ng income tax return dahil ang iyong kita sa pensyon ay hindi umabot ng 4,000,000 yen, kailangan mo pa ring mag-file ng deklarasyon ng mga buwis ng city at prefectural tax upang mabawasan ang iyong mga pang-medikal na gastusin.
http://www.city.kawasaki.jp/230/page/0000038103.html
Ang malaking pagpupulong para pagbutihan ang Kawasaki-ku kasama ang 100 na mga kalahok
2019-02-10
100 mga kalahok na gustong magkaroon ng maayos na ating Kawasaki-ku ay sasali sa workshop na Gulliver Map kung saan ang mga idea ay ipapaskil sa ang malaking mapa ng Kawasaki-ku at nakatakdang magbigay ng magandang idea sa pagpupulong.
Bakit hindi kayo sumali sa pagpupulong kung kayo ay interesado na magkaroon ng mas maayos na Kawasaki-ku?
Para sa mga karagdagang impormasyon, sumangguni sa website or Facebook ng Kawasaki-ku.
Petsa at oras: Sabado ng ika-10 ng Marso, 1:00-4:00pm
Lugar: Cultz Kawasaki
Para sa 100 na mga kalahok (para sa junior high school na estudyante pataas)
Paano mag-apply: fax, email kasama ang inyong pangalan, edad, tirahan, numero ng telepono, email address at dahilan kung bakit gusto nyong sumali (opsyonal) sa website ng Kawasaki-ku, o bumisita sa Cultz Kawasaki bago ang 28 ng Pebrero.
Magtanong ng nursing care, kailangan niyo magbook kapag kayo ay mag-aaply.
Aplikasyon at mga katanungan: Kikaku-ka, Ward office
Tel:201-3267, Fax:201-3209
Mail address: 61kikaku@city.kawasaki.jp
(Pipiliin sa pamamagitan ng loterya/ripa)
Koleksyon ng mga segunda manong damit
2019-01-03
Kokolektahin ang mga pinaglumaang damit, tulad ng mga sando, terno, pantalon, kumot, at iba pa.
(Ang mga punit-punit at maruruming damit ay hindi tinatanggap.)
Daishi Shisho (Daishi Branch Ward Office)
Huwebes ng ika-17, at Biyernes ng ika-18 ng Enero
Tajima Shisho (Tajima Branch Ward Office)
Huwebes ng ika-24, at Biyernes ng ika-25 ng Enero
Oras: 1:30 – 3:30 pm sa mga araw na binanggit.
Sa paradahan ng Branch Office (maka-kansela kapag ang panahon ay sadyang masama)
Katanungan: Kankyo-kyoku Nambu Seikatsu Kankyo Jigyosho
Tel: 044-266-5747, Fax: 044-287-1840