◆Addres
〒210-0851 1F Akatsuki Bldg., 1-9-14 Hamacho, Kawasaki Ward, Kawasaki City, Kanagawa Prefecture
◆Access
Sumakay sa Rinko Bus para sa Daishi o Mitsui-Futo at bumaba sa babaan ng Yotsukado Bus. Ang sentro ay 5 minutong lalakarin.
->Tingnan ang Mas Malaking Mapa
Kokolektahin ang mga pinaglumaang damit, tulad ng mga sando, terno, pantalon, kumot, at iba pa.
(Ang mga punit-punit at maruruming damit ay hindi tinatanggap.)
Daishi Shisho (Daishi Branch Ward Office)
Huwebes ng ika-17, at Biyernes ng ika-18 ng Enero
Tajima Shisho (Tajima Branch Ward Office)
Huwebes ng ika-24, at Biyernes ng ika-25 ng Enero
Oras: 1:30 – 3:30 pm sa mga araw na binanggit.
Sa paradahan ng Branch Office (maka-kansela kapag ang panahon ay sadyang masama)
Katanungan: Kankyo-kyoku Nambu Seikatsu Kankyo Jigyosho
Tel: 044-266-5747, Fax: 044-287-1840
Tinatawagan ang mga may recipe para sa Sankaku-Omusubi (Hugis tatsulok na kanin o rice ball )
2019-01-03
Sinasabi na ang "Sankaku-Omusubi" ay nagsimula sa Kawasaki.
Ang iyong recipe sa paggawa ng rice ball ay kinakailangan para sa ikalimang pista ng "Sankaku-Omusubi."
Dalawang mga kalahok ang pipiliin mula sa mga nagsumite at sumali sa festival na ito. Ang mga bumibili ng omusubi ay maaaring bumoto sa kalahok na kanilang gustong Manalo at ito ay pagpapasyahan sa araw na iyon. Ang mga nanalo ay makakatanggap ng liham ng papuri (Shojo), mga parangal (Fukusho), at ang kanilang recipe ay maaaring mai-promote para sa komersyal na pagbebenta.
Paano mag-apply: Ang form ay makukuha sa may Ward Office o sa mga sanga nito, at dapat ma-isumite sa ika-28 ng Pebrero.
http://www.city.kawasaki.jp/kawasaki/page/0000102780.html
Alamin natin ang tungkol sa BOSAI! Ang Ikalawang Comprehensive Disaster Preparedness Drill
2019-01-03
Petsa at Oras: Linggo ng ika-24 ng Pebrero, 9:30am-12:00pm
Lugar: Kyomachi Elementary School
Programa: Kasanayan sa pag-pawi ng apoy, usok, lindol, at ang pag-iwas sa mga sakuna, AED, at mga karanasang First-Aid o pangunang lunas.
Magkakaraon ng mga aktibidad sa pag-iwas sa sakuna tulad ng kasanayan sa evacuation shelter, larong pinatatamaan na may kinalaman sa paghahanda sa delubyo, at ang pagsusuot ng uniporme ng bombero para sa mga bata.
Aplikasyon: Upang makilahok sa "Simulated disaster prevention attraction," magpadala ng return postcard o bisitahin ang website bago lumampas ang ika-1 ng Pebrero
http://www.city.kawasaki.jp/kawasaki/page/0000102732 (Pagpipilian sa pamamagitan ng loterya)